Saturday, April 5, 2008
Thursday, January 24, 2008
PAKIUSAP :)
Basahin at mag-comment tungkol sa mga naka-post sa ibaba :)
Kaunti pa lang ang laman nito pero pinipilit kong dagdagan.Comments = ♥
Maraming salamat ^_^
* sorry busy ngayon. wala pang nagagawa T_T summer na lang ok ;D *
Wednesday, February 21, 2007
Mali na naman ako
Gusto niya na lang magtago sa aninong dulot ng nakakabulag na liwanag ng araw. Bakit kaya hindi sumasang-ayon ang panahon sa kanya? Sana sabayan siyang lumuha ng langit. Sana..."
Tuesday, January 30, 2007
Sagutan
Shit shit shit. Kinakausap niya ko! Anong gagawin ko?!
"Uhmm.." yun lang ang nasabi ko, sabay iling.
Tumango naman siya, ngumiti, umalis at hinanap na ang may-ari ng payong. Nakakainis naman! Ang tagal-tagal ko nang hinihintay makausap siya tapos ngayon, andiyan na sana, nawala pa! Dahil sa katangahan ko. Para nagtatanong lang ng payong, hindi pa ko makasalita ng maayos. Lumipas na naman ang isang araw. Sayang talaga. Nakakainis.
* * * * *
Nakakainis. Di man lang sumagot ng maayos. Humanap na nga ako ng paraan para lang makausap siya e. Wala pa akong napala. Gasgas ba masyado yung payong style kong yun? Feeling ko nga ang swerte ko nung nakita ko yung payong na malapit sa kanya. Nagkaroon ako ng dahilan para makausap siya. Nakakahiya naman kasing bigla na lang ako lalapit sa kanya para kausapin. Ano namang sasabihin ko? Bakit ba kasi ako pinanganak na torpe?!
* * * * *
* * * * *
Ang hina ko talaga pagdating sa mga babae. Kaya wala pa kong nagiging girlfriend e. Takot kasi akong manligaw. Ayokong ma-reject. Takot rin akong masaktan. Pero na-realize ko, walang mangyayari kung tatanga lang ako at maghihintay. Kailangan ko nang gumawa ng paraan. Kakausapin ko siya bukas na bukas.
* * * * *
Math na naman. Nasa likod ko siya. Ang init ng batok ko, pakiramdam ko nakatitig siya sakin. Asa naman. Masarap talaga mag-ilusyon paminsan-minsan. Malamang sa blackboard siya nakatingin. Sa teacher. Sa mga formula sa blackboard na wala akong maintindihan ni isa. Hindi kailanman sakin. As if naman kelangan niya pang makinig. Henyo na naman siya. Sikat dahil sa sobrang katalinuhan. Buti pa siya. Pano naman niya mapapansin ang tulad kong average student lang?
* * * * *
Ang sarap niya titigan, kahit ba mula sa likod lang. Hindi siya pangkaraniwang estudyante. Cute, matalino, masipag at nakakatuwa. Kung hindi man, basta yan ang tingin ko sa kanya. Malupit ngumiti. Nakakahawa tumawa. Responsible. Gumagawa ng homeworks, pero hindi hapit na hapit sa pag-aaral. Hindi gaya ko. Paano niya magugustuhan ang tulad kong ganito katahamik at akala ng mga tao e puro pag-aaral lang ang nasa isip? Sana gwapo man lang ako para naman mapangtapat sa mga lalaking pumoporma sa kanya.
* * * * *
Ang gwapo niya! Sana lagi siyang tinatawag ni Sir sa board para naman makita ko siya ng harapan. Bakit ba kasi siya sa likod ko nakaupo? Ang hirap tuloy lumingon.
* * * * *
Nakakahiya naman. Bakit ba kailangan ko pa magsagot sa board. Baka mapahiya pa ko. Ayokong nakikita niya ko e. Baka may kung ano ako sa mukha o kaya.. ewan. Sabagay, baka di naman siya nakatingin kaya ano pang sense ng mga pinagsususulat ko dito sa board na to? Matalino man ako gaya ng sabi nila, ang tanga tanga ko naman pagdating sa ganito. Kailangan ko ng tulong. Nakakabaliw.
* * * *
Nababaliw na ata ako dahil sa lalaking 'to. Hindi naman kami close. Di nga kami nag-uusap e. Pero bakit ba ko kinakabahan pag nandiyan siya? Bakit ako biglang nananahimik? Bakit hindi ko siya makausap? Ano ba tong nangyayari sakin? Hahanap ako ng paraan para magkausap kami. Hindi ako papayag na hanggang ganto lang.
* * * * *
+ + + + + +
Basta alternate na sagutan yan :) 50% totoo dahil AKO yung babae talaga. Haha. Asa naman na ganyan ang iniisip nung lalaki, wala akong idea talaga ;) Mas magagaan na tagalog ang ginamit ko para madali basahin.
Wala lang yan, math classmate ko ngayon na pinagtri-trip-an ko hahahaha >:D
Di pa nga lang tapos. Nag-iisip pa. Atsaka, baka may mangyari pa e. E di yehey, may pang-dagdag ako. HAHAHA :D
Salamat nga pala sa mga nagcocomment sa ibang posts! :D
Thursday, January 25, 2007
Sagipin ang Prinsesa

Marami na ring naging kaibigan ang Prinsesa sa tinagal ng panahon na nakakasama niya ang mga ito. Ang bawat isang taong nakikilala niya ay nagiging espesyal na kaibigan. Kasama sa tawanan, iyakan, hirap at saya. Matindi ang hirap na pinagdaan ng Prinsesa pero kung hindi dahil sa kanyang mga kaibigan na patuloy ang pagsuporta sa kanya, alam niyang hindi niya kakayanin pang mabuhay dito kahit isa pang araw.
Ang Prinsipe naman ay nanatiling mabait sa Prinsesa kahit na minsan ay nagiging suwail na ito at matigas ang ulo. Madalas silang magtalo sa mabababaw na dahilan. Maraming bagay kasi ang hindi maipahiwatig ng maayos ng Prinsipe, kaya madalas maubos ang pasensiya ng Prinsesa sa kanya. Pero patuloy pa ring pinagtiyagaan ng Prinsipe ang Prinsesa.
Kinalaunan, minahal na ng Prinsesa ang Prinsipe, pero hindi niya alam kung pano sasabihin ito. Naghintay na lang siya para mauna ang Prinsipe magtapat, ngunit hindi dumating ang pagkakataong yun. Dumating na ang pagkakataon para ang Prinsesa ay lumisan sa Kahariang yun at lumipat sa mas malayong Kaharian para hasain ang kanyang galing at pagkatao.
Nalaman ito ng Prinsipe at malugod naman niyang tinanggap ito. Nasaktan ang Prinsesa dahil pakiramdam niya, walang pakialam ang Prinsipe saan man siya pumunta, kahit magkalayo pa sila.
Dahil dito, nagdesisyon ang Prinsesa na tuluyan nang umalis. Umalis siya dahil alam niyang doon siya itinadhanang mapunta. Ginawa rin niya ito para sa ikasisiya ng Amang Hari. Mahal ng Prinsesa ang kanyang mga magulang at handa siyang magsakripisyo para sa sinasabi nilang ikabubuti niya kahit lubos na nasasaktan at nahihirapan ang Prinsesa. Wala siyang karapatang magreklamo dahil siya ay anak lang, at sila, sila ang magulang.
Pero sa lugar na yun, pakiramdam niya hindi siya nababagay. Mas nahirapan siyang makisama sa mga bagong tao sa paligid niya. Mas gugustuhin niya nang bumalik sa dating Kaharian kahit na nakaranas nga siya ng matinding paghihirap doon, dala na rin ng mataas na ekspektasyon sa kanya ng kanyang mga magulang. Pero ang kaibahan, sa Kaharian noon ng mahal niyang Prinsipe, maraming nagmamahal at handang umalalay sa kanya.
Ang kanyang mga kaibigan ay tila naglaho na. Hindi man lang siya kinakamusta o tinatawagan. Parang wala na silang pakialam sa dating Mahal nilang Prinsesa, sa dating pinangakuan nila na habang-buhay nilang mamahalin at proprotektahan.
Maging ang kanyang Prinsipe ay mukhang tuluyan nang nakalimot. Hindi niya alam kung saang lupalop ng mundo nagtatago ang Prinsipe. Araw-araw hinihintay ng Prinsesa ang pagdating nito, pero wala pa rin. Sinusubukan siyang lapitan ng Prinsesa pero ang Prinsipe ang kusang lumalayo. Hindi na malaman ng Prinsesa kung ano ang iniisip ng Prinsipe at bakit ganoon na lang kung ituring niya ang Prinsesa. Sinasaktan niya na ito ng sobra. Ang Prinsesa ay namahinga muna dahil pagod na siya maghintay at maghabol. Pinabayaan muna niyang gawin ng Prinsipe ang gusto nito at hahanap na lang siya ng tamang pagkakataon para alamin kung ano ang mga tunay na pangyayari.
Napakasaklap ng tadhana. Marami sa mga nagmamahal at minahal ng Prinsesa ay iniwan na siya ng tuluyan. Lumisan na sila sa mundong kinabibilangan niya. Ang iba naman, nandiyan nga, hindi naman nagpaparamdam sa kanya. Hanggang ngayon, nagtataka pa rin siya saan na napunta ang mga taong ito, ang mga taong nagbibigay-lakas at sigla sa kanya. Unti-unti nang nawawala ang mga taong pinagkukunan niya ng kaligayahan.
Sa kasalukuyan, ang Prinsesa ay nananatiling malungkot. Pakiramdam niya ay parati siyang mag-isa at wala nang karamay sa kahit anong nangyayari sa buhay niya, maging masaya man, o hindi, ang mga iyon. Ang alam lang ng Mahal na Prinsesa ay hindi siya pinababayaan ng Diyos. Ito ang pinakamahalagang aral na tinuro sa kanya ng kanyang mga magulang. Ang Diyos na lang ang kinakapitan ng Prinsesa sa mga panahong kagaya nito.
Hinihintay niya ang mga taong tutulong at aalalay sa kanya. Hinihintay ng Prinsesa ang mga taong makakapagbalik ng ngiting dati ay laging namumutawi sa mga labi niya. Hinihintay niya pa rin ang mga taong handang sumalo ng kanyang luha at hinagpis. Hinihintay pa rin ng Prinsesa ang mga taong totoong magmamahal at tatanggap sa kung sino at ano man siya...
+ + +
Wednesday, January 17, 2007
Madilim na Sikreto
Gusto kong matutong magsulat. Gustong makapagsulat ng mga bagay na maappreciate ng iba. Yung may kabuluhan. Hindi yung basta-basta lang.
Gusto kong mag-iwan ng marka sa mga tao. Gusto kong matuto kung pano malaman ang nararamdaman ng iba habang binabasa ang mga gawa ko. Gusto ko na habang binabasa rin nila ang mga nasulat ko, pwede silang makawala sa mundong to at makapasok sa ibang dimensiyon.
Gusto ko.
Pero hindi ko alam kung pano.
Kailangan ko ang tulong niyo.
T_T
Bestfriends Forever? [edited]
all images were snatched from here. :)
Best friend- n. the one friend who is closest to you.
Yan ang pangkaraniwang definition na mababasa at makikita mo sa kung saan-saan. Sa mga libro, magazines, sa World Wide Web, at kung saan pa. Pag nagtanong ka rin ng mga tao, malamang-lamang, yan ang isasagot nila sayo pag pina-define mo ang "Best friend". Pang-slumbook kumbaga.
Pero ibahin mo ako. Iba ang masasagot ko. Para sakin, ang best friend, hindi lang basta-basta close kayo. Diba halos lahat naman ng kaibigan mo ka-close mo? Pero siyempre stand-out pag best friend. Kasi nga siya yung "best". Angat siya sa iba.
Siya yung tipong pwede mong tawagan kahit alas-dos ng madaling araw dahil nakipag-break sayo ang boyfriend mo at naghahanap ka ng pwedeng iyakan at pagbuhusan ng galit. Yung tipong pwede mong ipabitbit lahat ng gamit mo, utus-utusan, alilain ba. Siya yung pwede mong hatakin at pilitin manood ng sine kahit ayaw niya ng chick flicks tapos magpapalibre ka pa ng popcorn. Siya yung nakikinig sa lahat ng sikreto mo, kahit na alam mong makakatulog na siya sa mga nonsense na pinagsasasabi mo. Siya yung kahit may kulangot ka sa ilong e pwede mong ipatanggal sa kanya dahil sa kakaibang closeness niyo.
Ganyan, at marami pang iba ang silbi ng mga bestfriends sa mundong ibabaw. Pero para sakin lang yata yan. Para samin ng bestfriend ko.
"I was so stupid for having the biggest mistake. Falling in love with my best friend!"
Haha. Yuck ano to? Marvin-Jolina sa Hey Babe?! Napanood ko ang pelikula na yun more than 7 years ago na ata. At hindi ko inakala na papasok sa utak ko ang sinabi ni Marvin na yan kay Jolina at masasabi ko rin yan balang araw. Musmos pa lang ako noon. Ano namang malay ko sa love-love na yan?! Isa pa, hindi ko kelan man ma-imagine na sa best friend ko ako maiinlove! Kung noon siguro, iisipin ko na kadiri kasi nakita ko na lahat-lahat sa kanya. I mean-- LAHAT! Literally and figuratively.
Bata pa lang kami close na kami no. Sabay pa nga kaming naliligo sa may garden habang nagdidilig yung katulong namin e. Sabay kaming nag-grade school, high school, at ngayon college na, magkasama pa rin kami! Kaya hello? Pano ko naman maiisip na maiinlove ako dito??! Kabisado ko na ugali niya. Alam ko ang amoy niya, lalo kung gano siya kasangsang pag tinatamad siya maligo. Alam ko rin na patay ang kuko niya sa hinlalaki kaya siya laging naka-rubber shoes.
Pero wag niyong isipin na hindi siya gwapo. Sa katunayan, hinahabol nga siya ng maraming babae. At ng uhmm... Hindi masyadong babae. Hahahaha. Di rin ganong nakapagtataka yun. Sikat siya e. Star player sa basketball, band member-- drummer pa kamo. Kaya tinitilian talaga siya ng mga nakakarinding babae AT lalake. Pag magkasama kami at naglalakad sa corridor, susmaryosep! Mga mata ng mga tao! Kulang na lang tumulo laway nila e.
Minsan nga, medyo naasar na rin ata siya kaya nagpanggap kami na "kami" na. Pano naman kasi parang lagi siyang hinahabol. Babae pa ang nanliligaw. Kaya para tantanan na siya, nagkatuwaan kami na maging kami. Holding hands dito, yakapan doon, kain sa kung saan maraming tao ang makakakita-- matapos ang ilang buwan na pagkukunwari, dun ko narealize na in-love pala ako sa kanya. Malaking problema.
Madalas kaming mapagkamalan na mag-syota. Tinatawanan lang namin yun. Pero sabagay, halos lahat naman ng couples na nakikita ko ginagawa ang ginagawa namin. Except sa halikan at *ehem* sex, SIYEMPRE. Virgin pa kami pareho no. Pero pinagtataka ko rin, bakit kaya wala pang nagiging girlfriend tong mokong na to? Minsan nga naisip ko, baka bading. Pero hindi naman, masyado lang talaga siyang maraming pinagpapantasiyahan tong lalaking to. Pero hanggang ganon lang, walang seryoso.
Nahihiya naman ako itanong bakit. Weird. Nahihiya ako sa kanya? Tsk. Kelan nga ba yung exact time na narealize ko na gusto ko siya talaga? Ah! Siyempre, di ko yun malilimutan. Haha. Iniisip ko pa lang, kinikilig na ko.
February 14 nun. Valentine's day. Maulan. Sa gitna ng patuloy na pagpatak ng mga luha ng langit, nanatili akong nakatayo sa may ilalim ng puno ng acacia sa tabi ng canteen sa school. Sabi niya kasi hintayin ko siya dun para sabay na kami umuwi. Alas-singko ng hapon ang usapan, alas-sais y medya na, wala pa siya.
Bago ka magreact ng "Akala ko ba nakakakilig yan ha?", patapusin mo muna ko. Yun nga, isa't kalahating oras na kong naghihintay sa kanya, wala pa rin akong napapala. Pinapak na ko ng lahat ng lamok, nabilang ko na lahat ng taong lumabas-masok sa loob ng caf pero wala pa rin. Para na kong tangang naghihintay sa wala. Inalarm ko ang pinagmamalaki kong relo. Pink. Digital. Bigay niya nung pasko. Cool no? 5 minutes. Pag wala pa siya, aalis na ko.
Pero anu ba naman yan, bakit ba kasi naimbento ang snooze? Sandali na lang talaga. Limang minuto pa ulit. Pag wala, aalis na ko. Promise.
Dalawang minuto na lang at mag-aalarm na naman ang telepono ko. Nakakatawa nga dahil kinakabahan ako e. Parang dito nakasalalay kung ang ending ng Valentine's day ko e masaya o boring o nakakakilig o wala lang.
Naisip ko rin, e ano naman? Araw araw ko namang kasama yun, anong special pag Araw na ng mga Puso? Ganto ba talaga pag tumatanda na, nagkakaroon ng "additional" na emosyon?! Atsaka bakit ba kasi? Marami namang nag-greet sakin kanina, nakatanggap pa ko ng walang kamatayang bear na nakalagay sa Blue Magic na paper bag galing sa Chem 16 classmate ko na kakapanganak ko pa lang ata may gusto na saken.
Nakatanggap rin naman ako ng Toblerone mula sa playboy kong classmate sa English na binigyan naman ng lahat ng babae. Ok na yun, gwapo kaya siya. Dapat lang siguro kiligin ako. Pero hindi e. Bakit parang may kulang? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit parang may hinahanap ako sa mga sandaling yun. Parang may kailangan akong makita, makasama. Bakit ba--
1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8. Eight. Walo.
Walong red roses na nakatiwangwang sa harap ko. Hawak ng best friend ko. Naka-boquet, may pink na ribbon pa. Muntik akong maiyak.
Kung iisipin, yuck ang baduy diba? Red roses? E lahat naman ata ganyan ang pinamimigay e! Pero ewan ko ba, favorite ko kasi ang mga pulang rosas. Meron kasing ganun sa garden namin dati, namatay lang sila lahat. Tapos ngayon busog na busog ang mga mata ko sa mga bulaklak na to. Kaya walo kasi.. favorite number ko naman. Gaya ng marami, yun ang date ng birthday ko at ang bilang ng letra ng pangalan ko. Ah basta. Eight. Boquet. Maganda. Pink na ribbon. Pero ano namang sense ng ganto kagagandang bulaklak kung wala kang pakialam sa may bigay? Bigay niya to e. Bigay niya para sakin. Sa araw ng mga puso.
Nung una, siyempre nagalit ako kunwari. Pero sa totoo lang, lahat ng galit at inis (at mga pantal sa kagat ng lamok) parang nawala na lahat. Humupa na yung pagka-badtrip ko. Pero siyempre di ko pinahalata. Pinag-explain ko muna siya kung bakit niya ko pinaghintay ng ganung katagal.
Nakalimutan kong sabihin. Sa isang kamay niya nandun yung malaking boquet. Sa kabila, payong. Pinayungan niya ko. Di ko kasi napansin, lumakas na pala ang ambon. Inasar pa nga niya ko e. Kung hindi pa daw siya dumating, mukha na kong basang sisiw. Tulala daw kasi ako at hindi man lang naisipang maglabas ng payong. Pero pinaliwanag naman niya kung bakit na-late siya sa usapang siya naman ang nag-aya.
"Ganto kasi..", panimula niya. Tinaasan ko na ng kilay. Tinuloy niya na ang kwento niya. Di daw kasi niya nasabi sakin na sa araw na to, may plano siyang ilabas ako, ang nanay niya, at ang ate niya para mag-dinner. Tatlong babaeng pinakamahalaga daw sa puso niya. Parang sasabog dibdib ko habang hinihintay ang kadugtong. Sinisiksik ko sa utak ko na "Siyempre, best friend ako eh. DUH." Tapos wala naman daw siyang date. Matagal na daw niyang planong ilabas kaming tatlo kaso nagkaroon ng onting problema. Pagkasundo daw niya sa nanay niya sa office, may surprise dinner date din pala ang tatay niya sa nanay niya kaya malamang hindi siya pwedeng umeksena. Yung ate naman niya, may boyfriend daw pala at ngayon niya lang nalaman! Nahuli daw niya sa may garahe nila kasi akala ata nung ate niya walang taong dadating. Hindi raw masyadong kaaya-aya ang ginagawa ng kapatid niya kaya nag-decide na lang siyang wag sabihin yung "surprise" niya. Galing no? Imbis na siya yung manggulat, siya pa yung sinindak. Haha.
Dumiretso daw siya sa restaurant na pina-reserve niya para sabihing 2 na lang ang makakapunta. Ako, at siya. Tinatawagan daw niya ko pero hindi ako sumasagot. Mga past 5 daw, tumatawag siya na sa harap na lang kami ng restaurant magkita. Chineck ko fone ko. Battery empty pala! GOOD JOB. Ako pa pala ang tangang umalis ng bahay na hindi nag-charge ng telepono. Bakit ba kasi hindi ko naisipang ilabas ang celfone ko? Tinamaan ka ng magaling nga naman oo.
Nag-sorry. Siyempre pinatawad ko. Nag-sorry din ako dahil sa katangahan ko. Isa pa, sinuhulan na ko ng mga bulaklak eh. Hehe. Inexpect ko na sasabihin niya na didiretso na kami dun sa pina-reserve niya pero wala siyang sinabi.
Nagulat ako nang hindi kami dumiretso sa restaurant na pinagsasabi niya. Alam mo saan kami pumunta? Sa JOLLIBEE! At pagdating ko dun, may naka-reserve na na table. Hindi lang isa o dalawa ang nakaupo sa mahabang table. 16. Wow. Buong basketball team niya at mga girlfriends nilang malalandi. Pati kamo coach, walang patawad, andun din! Napaka-romantic naman mag-"date" sa Jollibee.
Umupo ako. Lahat sila nagdadaldalan. Sabay-sabay. Whoa. Feeling ko asa circus ako at nakapalibot sakin ang mga clowns at elepante at unggoy at mga kumakain ng apoy. Pero ang kaibahan nito sa circus, hindi ako na-eentertain sa pinaggagagawa nila. Sa totoo lang, gusto ko tumayo at sabihin sa kanilang lahat, "PWEDE SHUT UP?!?!" Pero di ko ginawa. Nahiya naman ako kahit papano.
Etong lalaking to naman, aba, nag-enjoy din makipag-usap habang naiwan akong pangiti-ngiti na lang na kunwari tuwang-tuwa rin ako sa pinag-uusapan nila. Wala akong naririnig na mga salita kundi bola, free throw, shots, foul, cheer, player... AAAAAAARRRRRRRRGGGGHHHHHHHHH.
Pero biglang uminit ang mga kamay ko. Hindi ako natapunan ng mainit na filling ng peach mango pie na pakiramdam ko tatlong oras ko na nginunguya, wag ka mag-alala. Kasi habang nakikipagdaldalan si "Best Friend", hinawakan niya yung kamay ko sa ilalim ng table! Aaaaaahhhh. Pang-movie e. Yung tipong dada pa rin sila ng dada pero hinawakan niya yung kamay ko ok?! Ngumiti siya sakin ng onti, medyo di ko maintindihan kung ano ba ang ibig sabihin nun. Parang, sa unang pagkakataon, hindi ko siya mabasa. Hindi ko mahulaan ang iniisip niya. Di na ko nagreklamo at tinuloy na lang ang pagkain ng peach mango pie habang ngumingiti na parang timawa. Wala naman nakakapansin e. Haha.
Matapos ang 21, 318, 310 taon (biro lang :P) nag-alisan na lahat ng mga tao na pakiramdam ko hindi ko matatandaan pag nakita ko sila ulit sa school dahil tingin ko lahat sila pare-parehong mukhang mga bola ng basketball. Sumunod na rin kami. Hinatid niya ko sa bahay gaya ng dati. Nag-sorry dahil sa mga kapalpakan niya tapos hinalikan ako sa may noo.
Hinalikan. Ako. Sa. Noo.
Alam ko mababaw. Pero di ako makakilos ng maayos pagkatapos. Nakayuko lang ako habang nagsasalita pa siya. Sabi niya gusto lang naman daw niya kong ipakilala sa mga taong malapit sa kanya. Natuwa naman ako. Pakiramdam ko talagang napaka-importante ko sa kanya.
Pwede na kong mabangga ng 10-wheeler truck nung araw na yun. O mabagsakan ng eroplano. O mahabol ng mga asong ulol. At least masaya ako. Masayang-masaya. Abot-tenga ang ngiti ko at hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang ngiting yun.
Hanggang ngayon rin, hindi ko pa nasisiguro kung ano ba talaga ang tingin niya sakin. Pakiramdam ko mahal niya ko pero hindi ko alam kung yung pagmamahal nga ba na yun ay gaya ng sa nararamdaman ko. Bestfriends e, masyadong nasa alanganin ang sitwasyon namin.
Patuloy pa rin akong naghahanap ng kasagutan. Takot akong magtanong. Takot akong umasa. Pero naghihintay pa rin ako ng tamang oras, ng tamang pagkakataon.
Ganun nga siguro talaga pag matalik kayong magkaibigan no? Masakit. Mahirap. Pero sa bandang huli, kahit anong kahinatnan namin, makukuntento ako. Sasaya. Kaibigan ko diba? Dapat lang na yun ang maramdaman ko. Makapag-asawa ka man ako o hindi, alam ko na yung best friend kong yun hindi ako iiwan kahit anong mangyari. At ganun rin ako sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang ending ng storya namin. Pwedeng pang-fairytale na ikakasal kami at magiging happy ever after. Pwede rin namang hindi kami magkatuluyan pero maging happy pa rin. Ano man ang mangyari sa huli, masaya ako. Walang halong ka-plastikan.
Basta ako, di ako masyadong nagpapaniwala sa mga pelikulang yan na nagkakatuluyan parati ang mga mag-bestfriend. Imbento lang yun ng mga script writer. Pinapaasa lang ang mga tao dahil medyo pangkaraniwan ang ganitong sitwasyon. Para exciting ang movie. Para mataas ang ratings. At para umasa lahat ng taong asa sitwasyon ko. Iba-iba yan sa bawat tao. Hindi laging ganun ang katapusan. Diyos lang ang may alam sa kung ano ang mas nararapat. Siya lang, at wala nang ibang makakapagdikta sa huling chapter ng buhay niyong dalawa. Naming dalawa.
:)
+ + + +
Bitin ba? Medyo nablanko ako sa huli e :(
Pero ang haba pala. Haha sorry XD
Na-edit ko na!!!!!!! Pag may errors pa rin, pasensiya naman. Di nga pala natuloy yung plano ko na paghalu-haluin ang issue sa lovelife ng mga kilala ko. Medyo magulo kasi. Hehehehe. Imbento ko lang yan para mas cute yung movie na ma-iimagine niyo sa utak niyo habang nagbabasa :)
Comments = ♥
Tuesday, January 9, 2007
Mabuti Pa Sila..
Ang Nescafe, may coffeemate..
Ang toyo, may kalamansi..
At ang bee, may honey..
Kahit nga sina Bakekang, Kampanerang Kuba at Quasimodo, may ka-love team e.
Ang sarap siguro ng may partner no? Samantalang ako.. at ang puso ko, nangunguli, nag-iisa.. patuloy pa ring naghahanap ng makakasama...
Sunday, January 7, 2007
Love Story ♥
Ako kaya nakikita mo? Napapansin? Alam mo kaya na choco float ang paborito kong bilhin sa lumang caf ng school natin? Na lagi akong nakapigtails sa tuwing may PE tayo? Na meron akong isang kapatid na lalaki, dalawang aso at tatlong isda? At alam mo rin kayang valedictorian ako nung kinder?
Malamang hindi. Hindi mo naman ako nakikita gaya ng nakikita kita. Parang may isang higanteng pader na pumapagitna sating dalawa. Masyadong magkalayo ang mundo natin, nandiyan ka, nandito ako. Alam kong nahihirapan ka dahil sa maraming expectations sayo ng mga tao. Gwapo ka kasi. Matalino, mabait, gentleman at sandamukal pang listahan ng magagandang katangian. Samantalang ako, wala. Hindi ako gaya mo, hindi ako napapansin, hindi ako maganda o mabait o--
Ay ewan. Eto ba ang napapala ko dahil sayo? Ang kaawaan ko ang sarili ko dahil sa mga bagay na meron ka at wala ako? Akala ko pag may gusto ka daw laging masaya. Parang may nahuhulog na mga bulaklak, may sumasabog na fireworks, at may sweet na background music. Pero sayo hindi. Walang fireworks o flowers o background music. Wala akong ibang naririnig kundi ikaw. Ikaw lang. Ang bawat salitang nanggagaling sayo, ang bawat kilos mo. Parang sasabog ako sa tuwing kinakausap mo ko. Hindi ko alam kung kinikilig ba ko o ninenerbiyos sa tuwing nandiyan ka. Hindi ako makahinga ng maayos, baka dahil nakakapanghina kang kausap o baka masikip lang talaga ang blouse ng uniform ko.
Tapos na ang boring nating klase. Limampung minuto na pala kong nagmumuni-muni. Parang hindi ko man lang narinig ang bell na parati kong hinihintay. Tumayo ako at niligpit ang mga gamit ko. Nilingon kita. Hindi ka pa rin pala nakakaalis ng classroom. Mabagal ka rin kasi. Pano naman, ang dami mong dala. Aanhin mo ba yang mga yan?
Lumabas na ko ng classroom. Hinihintay pala ko ng mga kaibigan ko. Iniwan na kita. Para namang mapapansin mo kung umalis na ko no? Dumiretso ako sa lugar kung saan tumatambay ang buong section natin. Naupo ako sa isang table dun. Maya-maya dumating ka na rin. Pumunta ako ng caf mag-isa at bumili ng paborito kong choco float. Nang bumalik ako, andun ka pa rin. Mag-isa at nakatitig sa kawalan.
Naglakas-loob akong lumapit sayo. Umupo ako sa harap mo. Mag-aaral ako dapat dahil may exam tayo sa araw na yon. Pero mas pinili kong makausap ka kesa mag-aral. Binati mo ako. Natahimik ako ng konti. Di bagay na natatameme ako, hindi ako sanay. Wala akong maisip na excuse sa paglapit ko sayo kaya hiniram ko na lang ang notebook mo. Diba ayos? Nakakapag-aral na ko, kasama pa kita.
Pagbuklat ko ng notebook mo, naguluhan ako. Ano ba yang sulat mo, Chinese?! Ikaw lang ata ang nakakaintindi ng notes mo e. Ano yun, para di mo mashare ang katalinuhan mo sa iba? Natawa ko ng kaunti, at napansin mo pala dahil tinanong mo kung bakit ako napangiti. Aba, napansin mo? Kakaiba. Kaya tinanong na lang kita kung ano yung mga hindi ko maintindihan na sulat mo (halos lahat) pero ayos lang, masaya naman ako.
Parang ang bagal ng oras, nakatitig ako sa may malaking relo sa front lob pero parang hindi gumagalaw ang mga kamay ng orasan. Nakakabingi ang katahimikan. Pareho tayong hindi nagsasalita. Pero kuntento ako at masaya. Wala akong pakialam sa iniisip ng iba, sa kung ano ang tingin nilang ginagawa ko. Masaya ako at walang makakapigil sakin.
Pero natatapos rin ang masasayang sandali. Kahit anong gawin ko, hindi ko hawak ang oras. Wala akong kakayahang i-pause, o i-rewind ang mga pangyayaring gaya nito. Madalang lang na makasama kita, yung tayong dalawa lang. Tayong dalawa lang sa isang lugar kung saan tahimik at walang nakikialam satin. Walang mga magulang na may matataas na expectations sa anak, mga teachers na mababa magbigay ng grade, magugulong kapatid, polusyon, patayan, giyera-- basta lahat na! Malayo tayo sa kalupitan ng mundo.
Tatlong klase pa ang nagdaan. Tungkol dun sa econ exam, ewan. Lumulutang ang utak ko kanina, dala siguro ng sobrang saya. Magkalapit pa tayo ng upuan, hindi ako makasagot ng maayos. Mas magandang titigan ka na lang kaysa ang blanko kong papel.
Sa wakas, tapos na rin ang klase. Isang araw na naman ang nagdaan. Nakakapagod. Masakit ang mga kalamnan at mga buto ko. Tapos dumaan ka. At ngumiti. Sakin. Sakin? Aba aba aba. Kelan ka pa natutong mamansin ng mga hindi mo ka-uri?
Lumapit ka. Kinabahan ako. Hindi ko ba nabalik ang notebook mo? O may utang ako sayo? Ah ah tama. Sakin ka naman manghihiram ng notes ko ngayon? Tsk. Sabi ko na e, alam kong isa ka rin sa mgataga-hanga ng mga Hello Kitty kong notebook at mga bolpen kong iba-iba ang kulay. Tingin ko nga kailangan mo talaga ng tulong diyan sa magugulo mong notes na yan, parang kinalahid ng manok e. Kung gusto--
"Gusto kita.."
Eh? Tss. Guni-guni. Asan na nga ba yung bag ko na yun? Naiwan ko ata sa dorm--
"Sabi ko gusto kita.."
Hello? Parang natigilan ako ah. Hinde, natigilan talaga ko. Anong sabi mo? Ako ba ang kausap mo? Ah! Hahahaha. Okay. Nalaman mong crush na crush kita no? Wag ka mag-alala, di naman ako umaasa. At lalong hindi ako nangangailangan ng awa. Ok na sakin yung nakikita ka--
Bakit mo hinahawakan ang kamay ko?!?!?! Anong problema mo?! Walangya. Pero sige, ayos yan. Wag mo na bitawan. Ang sarap pala. Teka teka. Nagsasalita ba ko? Masyado ba kong madaldal? O nasa isip ko lang to at para lang pala kong tangang natameme sa harap mo?
Huy. Bakit ka naman ganyan makatingin? Nalulusaw ako. At ano ba naman tong mga kamay ko na to. Bakit ngayon ka pa namawis ng ganyan?! Diyahe naman oo.
Tama ba ang narinig ko? Nagtatapat ka sakin? Mahal mo ko?! Whoa, whoa, whoa. Talaga? Bakit? Ang daming pwedeng iba diyan o! Ako lang talaga? Weh wag ka na! Ano namang nakita mo sakin? Lahat? Yeah right. Uh, close ba tayo?
Para pala kong timang. Pakipot pa kasi. Kung pwede lang sabihin ko na agad sayo na oo mahal din kita. Pero siyempre hindi pwedeng ganun. Dalagang Pilipina dapat. Mahinhin. Di basta-basta sasagot lang.
"Oo mahal din kita."
Oh shit. Ano ba yang nasabi ko. Pero.. hindi ko na pwedeng bawiin diba? Nasabi ko na e. Kailangan ko na lang panindigan.
+ + + +
hindi ko alam kung tapos na. ang storya ay halos totoo lahat, except yung last part, medyo binarbero ko siya para naman maganda yung ma-iimagine niyo. haha, pero bukod dun, nangyari ata yan lahat? ^_^ ieedit ko na lang kung sakaling may maiisip akong mas ayos na ending :P
comment lang ;)
*09.21.05 *
Monday, October 30, 2006
We Don't Talk Anymore
galing dito:
by handyfemme
You know how much I value those times when I get the chance to talk to you, because I know and you know that talking is one way to strengthen our bond. I understand that you are not the type of person who tells every little detail about yourself. I do not expect you to report about the things you did, or who did you hang out with, or what did you buy a couple of days ago. I also do not want to tell you what you're supposed to share with me because it is your life, and I do not want to put strings around your hands and start controlling you.
It is perfectly fine with me if you want some silence, because some people want to be with themselves from time to time. But what I do not like, and will never, ever, tolerate, is that you completely shut me out of your life without even telling me what is happening. Is it fair? No. It isn't. I've spent countless weeks trying to figure out what you really are thinking. Of course, I have no idea what is on your mind because I am not a goddamn clairvoyant. I need to know. Or at least, tell me if you need to be alone for a while.
I was thinking that this is probably the end for the two of us. For no matter how much I try to reach out to you, you always take a step backward, as if you are avoiding me intentionally. An ellipsis won't explain what you have been up to, or what you are feeling right now, or how much I felt betrayed. For years we have been built a strong connection between us, and in the end, it is also the two of us who will eventually break it. If that's what it is supposed to be, then let us leave that sanctuary without any pain and remorse.
While I wait for you to utter words that I have been waiting to hear for a long time, let me tell you this: I will never give up that easily. Let us sit down, wipe the tears from our eyes and stop hurting each other.
Let's talk.
+ + + +
WOW. Sobrang nakaka-relate ako.



